Sunday, March 14, 2010

(Musikang Liturhikal: Ano ang epekto nito sa mga seminarista?)

Outline of the Research Work

(Musikang Liturhikal: Ano ang epekto nito sa mga seminarista?)



Panimula


Ang Musika

Ano ang Musikang Liturhikal?

Ang kahalagahan ng Musikang Liturhikal
sa pormasyon ng mga seminarista.

Paano mapapanatili ang aktibong partisipasyon
ng mga seminarista sa Musikang Liturhikal?

Ang impluwensya ng liturhikal na musika sa bokasyon
ng pagpapari.

Sandigan ng pag-aaral

Mga tiyak na Layunin

Kahalagahan ng pag-aaral

Presentasyon at pagsusuri ng datos

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Bibliograpiya













Panimula

Ang Musika ay hindi lamang ang pinakalumang sining, ito ay walang hangganan. Bago pa nagkaroon ng buhay sa mundo, maririnig mo na ito sa hangin at sa mga alon. Nang ang mga puno, bulaklak at mga damo ay unang umusbong, kasabay na nila ito. At nang dumating ang mga tao, ito ay nagging paraan para maipahayag nila ang kanilang damdamin. Malaki rin ang impluwensya nito sa paghubog ng kanilang karakter.
Sa mga panahong lumipas, ito ay nagbigay inspirasyon at pag-asa sa tao, pinag-alab ang kanyang pag-ibig, naging boses ng knyang kagalakan, nagbigay pugay sa kanyang kagitingan at naging sandigan sa oras ng kawalan ng pag-asa. Ito ang nagbibigay ginhawa sa mga nalulungkot at nagturo sa kanya na maging mahinahon.
Sa seminaryo ang musika ay naging bahagi na ng buhay ng bawat seminarista. Ito ay may hangarin na mabigyan ng lubos na hangganan ang lubos na kaganapan ng kalikasan nila bilang nilalang. Ang ganitong pagkakabuo ay nagbibigay halaga sa musika bilang part ng sining.
Ang musika ay nakapag-uusap sa lahat ng tao sa wikang nauunawaan ng lahat. Kahit na ang bingi at sintunado ay naririnig ito, kung sila ay nakikinig lamang sa boses ng kanilang kaluluwa. Ang musika ang siyang pinakamakapangyarihan at emosyonal sa lahat ng uri ng sining. Binibigyang halaga nito ang masinsinang paghubog sa moralidad ng tao.
Saklaw ng aking pag-aaral ang liturhiyang pangmusika bilang pundamental na elemento sa buhay ng isang seminarista. Napakahalagang tukuyin ang ganitong uri ng pag-aaral upang mabigyang pansin ang tunay na importansya nito sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga seminarista na naghahangad na maging isang pari. Ang musika ay buhay kung ito ay binibigyan ng karampatang atensiyon at pagpapahalaga. Gaano nga ba kahalaga ito sa mga seminarista?









































Ang Musika

Ayon kay Aristotle, ang musika ay hindi lamang para sa kasiyahan, pahinga at pagliwaliw. Ito ay para rin sa paglabas ng tension at paraan sa paghubog ng karakter. Ayon rin kay Plato, malaki ang naitutulong nito sa paghubog ng personalidad ng isang tao dahil pinagpayaman nito ang kanyang buhay sa pamamagitan nang pagpapalawak ng kanyang pag-unawa . Nabibigyan pansin niya ang kanyang paligid sa tulong ng tunog, kulay,damdamin, isip at pakikipag-ugnayan at napapalawak niya ang kanyang kakayahan sa paghaka-haka, paglikha at pagpapahalaga sa paghusga.
Ang Musika ay isa ring elemento na umuugnay, kung saan ang tao ay nagkakaroon ng lubos na kasiyahan at sapat na pagpapahayag ng kanyang damdamin. Ang seminaryo ay naging tahanan na ng Musika. Sa kasaysayan nito, naging tatak na sa pagkatao ng mga seminarista ang pagmamahal sa Musika. Hindi magiging kumpleto ang liturhiya kung walang musika. Ang Musika ang nagbibigay buhay at sigla sa selebrasyon. Mas napapansin ng mga seminarista ang kahalagahan ng isang awitin kung ito ay kinakanta na may damdamin at pagmamahal. Malaki ang maidudulot nito sa presensya ng panginoon sa ating buhay. Ang pagbibigay pugay sa Poong Maykapal ay mas lalo pang binibigyan ng kaukulang respeto at pagpapahalaga. Ang bawat lukso ng damdamin sa Musika ay binabalotan ng nakakaaliw na saya. Mararamdaman natin ang kabutihang maidudulot nito kung ito ay ginagamit sa mga bagay na may katuturan. Ang Musika ay bago sa pandinig ng bawat isa. Minsan ito ay isang himig na kakaiba sa atin. Ngunit lumalabas ang kanyang pamilyaridad kung paulit-ulit natin itong naririnig. Maaring ang naisulat na tula ay maganda kung babasahin ngunit mas namamayagpag ang kagandahan nito kapag ito’y kinakanta na may halong emosyon.
Ang misa sa seminaryo ay tumutulong sa pagyayabong ng relasyon ng bawat seminarista sa mahal na Diyos. Si San Agustin ay nagwika “kapag tayo ay kumakanta, dumudoble an ating panalangin.” Ang paggamit ng musika ay hindi lamang para sa kaligayahan ng tao. Ito ay maari ring gamitin bilang isang instrumento sa paglago ng isang matibay na pamamalagi sa ating Amang lumikha. Tunay nga na ang Diyos ay naging matalino sa lahat ng kanyang ginawa. Binigay niya ang harmonya ng musika upang mawari ng tao ang kanyang pagiging isang nilalang sa mundo.






















Ano ang Musikang Liturhikal?

Ang isang Musika ay tinawag na liturhikal dahil ang mga nilalaman ng mga awitin ay nagbibigay halaga sa presensya ng Poong Maykapal. Karamihan ng mga nakasulat sa komposisyon ay nagpapahiwatig at nagpapakilala sa tunay na katangian ng Diyos at ang mga kaganapan sa buhay ng mga Kristiyano. Ang musikang liturhikal ay isang gumagalaw na musika na nabibigyan ng kulay sa loob ng banal na liturhiya. Ito ay integral sa pinaka-natura ng liturhiya at nakaugat sa bawat bahagi ng ritwal. Ang musikang liturhikal ay nakasalap ng inspirasyon sa bawat karanasan ng liturhikal na pagpupugay. Ang pagdiriwang nito ay nasa pang kalahatan na pag-iisa ng puso’t damdamin. Ang imahe ng maka-diyos na komunidad ay nakabase sa bawat himig at mensahe ng musika.
Ang liturhikong pagsamba ay binibigyan ng malaking pagpapahalaga kapag ito’y ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pag-awit. Sa loob ng pag-awit naka-posisyon ang minstro na siyang mamumuno ng misa at ang buong grupo ng sumasamba at nakikibahagi dito. Sa katunayan, sa pamamagitan ng anyo ng musika, nabibigyan ng karampatang aliw at kulay ang mataimtim na pagdadarasal na hinahalu-an ng mga magagandang pamamaraan na napapaloob sa mataimtim na misteryo ng liturhiya. Sa kanyang pangkomunidad na kaanyu-an, mas naipapakita ang pagkakaisa ng mga damdamin na mas higit na makakamtan sa malalim na pagkakaisa ng boses at may layuning magbigay kapanatagan sa mga banal na bagay na naaayon sa kagandahan ng isang sagradong ritwal.
Sa seminaryo, ang tamang pagsasaayos ng liturhikal na selebrasyon ay nangangailangan ng tamang partisipasyon sa panig ng mga seminarista. Sila ay may malaking papel na ginagampanan sa pagpapanatili ng kabanalan ng selebrasyon. Ang selebrasyon ay humihingi na ang bawat parte ng musika ay inaawit ng maigi. Sa pagpili ng musikang liturhikal na gagamitin, dapat isaalang-alang ang kahulugan ng mang-aawit na punan ang bawat awit. Walang ipinagbabawal na awit sa musikang liturhikal ang importanate naaayon ito sa ispiritu ng liturhikal na selebrasyon mismo at ang katangian ng bawat parte nito, higit sa lahat ito’y hindi naging hadlang sa aktibong partisipasyon ng mga seminarista tuwing isinasagawa ang banal na misa at ang pananalangin gamit ang kanilang Oficio Divina.
Sa pangkalahatan, ang himig na nanggagaling mula sa musika ay may kakayahan hindi lamang ipahayag ang presensya ng mga seminarista sa mga liturhikal na okasyon, ngunit ito ay may layunin ding magbigay daan sa pagitan ng kanilang kumbersasyon sa Diyos na nagbubunga ng pagkakaisa at pagkakakilanlan. Ang tunog ay may kakayahan na ipahayag ang relasyon ng dalawang nag-uusap. Ito ay maaring idaan sa makahulugan na pag-awit. Ang saliw ng bawat awitin ay nagbibigay ng bukas na kamalayan sa seminarista na isuko ang kanyang sarili sa Panginoon. Ang musikang liturhikal ay may malapad na saklaw sa pang-araw araw na pamumuhay ng bawat seminarista, ngunit gaano man ito kalawak makakamit din ng isang tao ang halaga at silbi nito sa pamamagitan ng masinsinang pagpupuri na naging parte ito ng kanyang buhay. Ang musika kung minamahal ay nagbibigay lasa at kulay sa ating buhay.




Ang kahalagahan ng Musikang Liturhikal sa pormasyon ng mga seminarista.

Malaking ang maitutulong ng musikang liturhkal sa buhay ng mga seminarista. Nabibigyang diin nito ang paghuhubog ng kanilang pagkatao. Nagmumula sa liturhiya ang pagkakaroon ng pagkakaisa sa isip at puso na siyang nagging pundasyon ng kanilang kamalayang moral. Ang himig na naggagaling sa bawat awit ay siyang nagbibigay ng pagkakataon upang mapagmuni ng bawat seminarista ang paggalaw ng kanilang sarili tungo a pagbabago ng kanilang nakagawiang pag-uugali at pakiramdam na marahil ay naguudyok sa kanila na manatili na lamang sa lebel ng katamaran na sumabay sa liturhiya. Ngunit ang huwaran na katotohanan ay nagbibigay ng pahiwatig na ang seminarista bilang bahagi ng misa ay dapat na ipahayag ang sarili sa mga hymno at napiling mga awitin. Ito ay nakikibahagi sa kanila upang matamo ang ganap na pagbibigay pugay sa poong maykapal. Kaya upang matamo ang lahat ng ito mas nakakabuti na pagtuunang pansin ang mga kahalagahan na maaring idulot ng musikang liturhikal sa pag-unlad ng kamalayan ng mga seminarista bilang kinatawan ng selebrasyon.
Una, sa pamamagitan ng pag-awit ng mga liturhikal na awitin, napupunan nila ang kanilang obligasyon sa liturhiya, sa pamamagitan ng ganap, may kamalayan at aktibong partisipasyon na siyang ibig ipahiwatig ng katangian ng liturhiya na naaayon din sa selebrasyon ng sila ay bininyagan. Dito nakamit nila ang karapatan at obligasyon bilang mga Kristiyanos.
“This participation should be above all internal, in the sense that by it the seminarians join their mind to what they pronounce or hear and cooperate with heavenly grace.”
Ang mga seminarista bilang mga katuwang ng Diyos sa ministeryo ay dapat na magkaroon ng malalim na pagkilala sa liturhiya, lalo na sa pag-awit. Mahalaga na sa kanilang pag-awit maging saksi sila sa mga banal na salita ng Diyos na napapaloob sa bawat komposisyin ng awit. Importante rin na sa kanilang pagkilala sa liturhiya ay unti-unti nilang nahuhubog ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagkakaisa sa layunin ng liturhiya, at ipahayag ang kaharian ng Diyos. Sa pagkakataong ito ang mga seminarista ay hindi lamang umaawit at nananalangin, sila ay nagging saksi rin sa bawat salita ng diyos na napaloob sa mga awitin. Dito natin makikita na nagiging epektibo lamang ang musikang lituhikal kung ito ay isinasabuhay at binibigyang halaga sa bawat yugto nito .
Ang musikang liturhikal ay isang uri din ng paghubog sa pagkatao ng mga seminarista. Ito ay halos magkahawig sa isturktura at ninanais ng ispiritwal na dimensiyon ng pagkatao ng mga seminarista. Layunin nito ang pagbibigay importansiya at mga pagpapahalaga sa sarili at magdudugtong ng kanilang relasyon sa mahal na Diyos.

“Musical formation, suitable liturgical and spiritual formation must also be given to the members of the choir, in such a way that the proper performance if this liturgical role will not only enhance the beauty of the celebration and be in excellent example for the faithful.”

Isang malaking aspeto sa ikakaunlad ng pagkatao ng mga seminarista ang ispiritwal ns pagbuo ng istruktura ng kanilang pakikipagsalamuha sa Diyos sa pamamagitan ng isang mataimtim at taos-pusong pag-awit.

“ Sacred music is also very effective in fostering the devotion of the faithful in celebrations of the word of God, and in popular devotions.”

Ang sagradong musika ay epektibo rin sa pagtatag ng ispritwal na pagpapahalaga sa buhay ng mga seminarista. Malaking tulong ito upang mapanatili nila ang tunay na pagmamahal hindi lamang sa musika, ngunit ito ay may layunin ding palaguin ang antas ng kanilang pagbibigay halaga sa musika na may layuning magtatag ng matibay na pundasyon ng pagkakakilala sa mahal na Diyos.
Ang musikang liturhikal ay mahalaga rin sa pagkakaroon ng mga seminarista ng kanilang debosyon lalong lalo na sa Banal na Piging sa Altar. Dito binibigyang importansiya nila ang kanilang naging papel bilang mga anak ng Diyos. Habang isinasagawa ang selebrasyon sinasabayan ito ng mga awiting may kinalaman sa pagkatao ng Diyos. Ang mga nilalaman ng awitin ay pawang nakasentro kay panginoong hesukristo. Ang seminaryo bilang isang ispritwal na tahanan ay nagpapanatili ng kabanalan ng bawat komposisyon. Bilang tugon sa tawag ng bokasyon mahalaga na magkaroon ng mga awitin na pawang nagbibigay inspirasyon sa kanila na magpatuloy sa tawag ng panginoon. Ang awit at musika ay magkaugnay na may layon na tumupad sa bawat layunin ng mga simbolo na makabuluhan at nagbibigay ng katuturan sa kahalagan ng musika bilang isang liturhikal sa gawain. Ang kagandahan ng selebrasyon ay nakadepende sa aktibong partisipasyon ng mga seminarista sa liturhiya. Mahalaga na matutunan ng mga seminarista na ang musika ay tumutulong na pagbutihin ang kanilang pagkatao tungo sa magandang istruktura ng paghuhubog.

“ According to three principal criteria ; beauty expressive of prayer, the unanimous participation of the assembly at the designated moments, and the solemn character of the celebration. In this way they participate (seminarians) in the purpose of the liturgical words and actions: The glory of God and the sanctification of the faithful.”
Ang epekto ng Musikang Liturhikal sa paghubog ng aktibong partisipasyon ng mga seminarista sa misa?

Ang pagdaragdag ng musika sa pagsamba ay nakakatulong sa pagbuo ng kapayapaan at kaisahan sa mga taong nananalangin. Sa pamamagitan nito ay kumawala ang pananampalataya sa paniniwalang ito ay makakamit lamang sa pamamagitan ng pribado o pansariling pananalangin. Dito’y nabuo ang konsepto ng samasamang pagsamba na nagbibigay sigla at kaligayahan sa mga tao. Sa pamamagitan ng magkakatulad na karanasan ng mga tao at ng kanilang pananabik sa kaginhawahan ay nakapaghabi ng mga panalangin na papawi sa kalungkutan ng mga tao, gayundin, ang patuloy na pagbibigay ng pag-asa na makakamit ang inaasahan na saya. Dahil sa ganitong katangian, nagkaroon ng pagdiin sa kahalagahan ng personal na pakikipag-ugnayan ng seminarista sa Diyos na hindi na nangangailangan ng isang tagapamagitan sa anyo ng mga santo. Binura din nito ang paniniwalang ang kaginhawahan ay matatanggap lamang ng tao sa langit batay sa kanyang paglilingkod sa simbahan na siyang alagad ng Diyos sa lupa; bagkus ang kaginhawahan ay iginagantimpala sa lupa sa pamamagitan ng produktibong pakikibahagi ng sarili sa kapwa at sa lipunan. At higit sa lahat, ipamamalita ng liturhiyang ito ang mabuting balita ng paglaya ng tao sa kanyang pagkaalipin ay gawa ng Diyos sa pamamagitan ng patuloy na pagnanais ng taong buuin at patatagin ang kanyang sambayanan.





Ang impluwensya ng liturhiyal na musika sa bokasyon
ng pagpapari?

“Music has always been used by the Filipinos in expressing their sentiments, aspirations and hopes. The seminarian, therefore, should consider his training in music in its relation to his future pastoral ministry.”
Ang musika bilang isang napakahalagang regalo mula sa Diyos ay nagbibigay din ng kaukulang pagsasanay sa mga seminarista upang maging bihasa sa uri ng musika na gagamitin. Ang liturhikal na musika, alisunod sa kanyang nilalaman ay naipapadama sa pamamagitan ng mga makahulugang mensahe nito. Karaniwang tumutulong ito sa pagpapabuti sa emosyon ng mga seminarista. Ang bawat salita ay katulad ng isang mahalimuyak na amoy na pilit nanonoot sa puso ng umaawit nito. Sa pamamagitan nito mas malayang naipapahayag nila ang kani- kanilang sentiment, hangarin at ninanais. Ang liturhikal na musika ay nagbibigay din ng katumpakan sa buhay ng isang kandidato sa pagpapari. Ito ay nagpapanatili ng pagmamahal nila sa kapwa at sa Diyos.
Ang lituhikal na musika ay katulad din ng paghuhubog, dahil ito ay sumusunod rin sa mga pamantayan at istruktura. Kapag naiwala ang isang parte ng awitin ito ay mananatiling sintunado at walang katumpakan. Datapwa’t kapag ito ay binihusan ng panahon at tamang atensiyon, nakakamit nito ang layuning magbigay ligaya at lumbay sa kumakanta at sa nakikinig. Ang paghuhubog sa pagpapari ay magkasing-hawig din sa ganitong uri na halimbawa. Magiging produktibo lamang ang isang seminarista kung siya ay dumaan sa tamang proseso ng paghuhubog. Makakamit niya ang minimithing tagumpay kung siya ay magiging tapat sa kanyang master na siyang nag-aayos ng lahat ng parte nito upang maging kaaya-aya at hindi sintunado.

No comments:

Post a Comment