Monday, September 13, 2010
Ang kasaysayan ng Oton
Ang bayan ng Oton ay ang kauna-unahang pueblo sa Panay. Ang bayan na ito ay itinayo noong 1572 upang bigyang puri ang Inmaculada Conception bilang isang patron. Noong ika-labintatlong (13th) siglo, ang Oton ay produktibong lugar na pinanahanan ng mga malay na mangangalakal. Ang daungan nito na ngayon ay kilala sa tawag na Batiano Bridge ay isa sa limang pinakamatandang daungan ng mga malay na mangangalakal para sa pagpapalitan ng mga produkto sa irong-irong kasama ng sanglay o mga tsinong mangangalakal at karatig lugar na kinabibilangan ng Sugbu, Madiano at Malandog. Ang salitang Oton ay nanggaling sa salitang “OGTONG ADLAW”. Minsan may isang sundalong espanyol na nagtanong sa katutubo kung ano ang pangalan ng lugar na yaon. Dahil espanyol ang salitang ginamit hindi naintindihan ng katutubo ang nais na ipahiwatig ng sundalo sa kanya kaya sumagot agad ang katutubo na OGTONG ADLAW (noontime), ang akala niya siya ay tinatanong tungkol sa oras. Simula noon ang lugar ay kinilala na bilang Ogtong. Sa pagdaan ng maraming taon ito ay tinawag na Oton, alinsunod sa pinagmulan nitong Ogtong. Noong 1972, ang bayan na ito ay ginawang kapital ng probinsya ng Oton na binubuo ng Panay, Sibuyan, Guimaras, Romblon at kanlurang parte ng Negros.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment